Palasyo sa PALEA: Wag bara-bara sa pagwewelga

UMAPELA ang Malacañang sa mga miyembro ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) na magdahan-dahan sa kanilang desisyong mag-welga.

Ikinatuwiran ni Executive Secretary Paquito Ochoa na may paraan pang ginagawa ang gobyerno ukol sa usaping ito.

“Umaapela kami sa kanila kasi meron namang pamamaraan pa. Nandito pa naman sa amin ang jurisdiction niyan,” ani Ochoa.

Matatandaang itinuloy kamakalawa ng PALEA ang kanilang strike vote. Sa ulat, sinasabing mayorya umano sa mga nagpoprotestang empleyado ng PAL ay pursigidong ituloy ang welga.

Ayon kay Ochoa, hawak na ng Palasyo ang apela ng PALEA laban sa desisyon ng Department of Labor and Employment at hinihintay na lamang ang mga dokumentong magmumula kay Justice Secretary Leila de Lima.

Pinayuhan niya ang PALEA na hintayin na lamang ang desisyon ng Office of the President at huwag nang ituloy ang welga na maaaring isang paglabag sa batas na magpapakomplikado sa sitwasyon.

“Kailangan ay kumpleto ang reference materials saka ‘yung mga submnission doon sa DOLE ay nakumpleto na. ‘Yun ngayon ang ina-assess namin at we will take the appropriate action,” ani Ochoa.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply