Palasyo, umapela sa mga hukom ukol sa budget

UMAPELA ang Palasyo sa mga hukom na tigilan na ang pagpoprotesta kaugnay sa tinapyasan na budget ng mga ito para sa taong 2011.

Binigyang diin ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na hindi naman tinapyasan ang budget ng judiciary.

“We did not cut the budget of the Supreme Court of the Philippines and other lower courts. Our budget is higher than 2010,” ani Lacierda.

Kaya wala umanong dahilan para magreklamo ang mga hukom sa executive branch.

Nauna nang nagsagawa ng protesta ang Philippine Judges Association at Metropolitan and City Judges Association of the Philippines para iapela sa Kongreso na ikonsidera ang budget sa hudikatura para sa 2011.

Nagsimula sa P23.8 bilyon ang budget na inirekomenda para sa hudikatura para sa 2011 subalit tinapyasan ito ng Kongreso at ginawang P14.3 bilyon na lamang.

Sinabi ni Lacierda na kung may sapat na pera lang ang pamahalaan ay agad bibigay sa bawat ahensiya ang hinihingi nilang budget.

Pakiusap ng Malacañang kay Supreme Court spokesperson at court admnistrator Jose Midas Marquez na ipaliwanag mabuti sa mga hukom ang nasabing usapin.

Naniniwala naman ang Palasyo na hindi masisira ang relasyon ng ehekutibo sa hudikaturang sangay ng pamahalaan dahil sa usapin ng budget. Kris Jose

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply