PALEA, muling maglulunsad ng kilos-protesta

MULING magsasagawa ng mga kilos-protesta ang mga kawani ng Philippine Airlines simula sa isang linggo.

Ang panibagong pagkilos ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) ay sesentro sa panawagan kay Presidente Benigno Aquino III na solusyunan ang pagsibak sa halos tatlong libong empleyado ng PAL Inc., na pinamumunuan ng business magnate na si Lucio Tan.

Ayon kay PALEA legal counsel Marlon Manuel, layon ng kilos-protesta na himukin si Aquino na ibasura ang ipinalabas na desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa alitan ng kanilang grupo at ng PAL.

Noong nakaraang October 29, nagpalabas ng order ang DOLE na kumatig sa panig ng PAL management na ibenta ang tatlo sa non-core units ng kumpanya, ang in-flight catering, airport services, at call center reservations, at i-kontrata ang mga ito sa third party service providers.

Sinabi rin ng DOLE na ang pagtanggal sa PAL employees ay naaayon sa batas at ang PAL management ay di maaaring akusahan ng unfair labor practice. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply