PALEA nagsasagawa ng stike vote

NAGSASAGAWA ngayon ang may 4,000 miyembro ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) ng strike vote o botohan kung itutuloy ang kanilang welga laban sa management ng Philippine Airlines (PAL).

Batay sa panayam ng Umagang Kay Ganda (UKG), sinabi ni PALEA Secretary Bong Palad na kumpiyansa siyang makakukuha sila ng sapat na boto para maituloy ang welga.

May kinalaman ang welga ng PALEA sa plano ng PAL management na i-outsource o ipatrabaho sa ibang ahensya ang iba nitong operasyon na magbibigay daan sa pagkakatanggal ng daan-daang empleyado.

Samantala, iginiit ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na walang basehan ang pagsasagawa ng strike vote ng PALEA.

Ayon kay Baldoz,  wala nang nakabinbing Notice of Strike sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) ang PALEA na maaaring maging basehan ng pagsasagawa ng botohan kung itutuloy ang welga laban sa management ng PAL.

Paliwanag ni Baldoz, ang inihaing Notice of Strike ng PALEA sa NCMB ay isinama na sa naging apela ng unyon kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni Baldoz na nasa hurisdiksyon na ng Office of the President ang kaso kaya anumang aksyong may kinalaman sa apela ng PALEA tulad ng Notice to Conduct Strike Balloting ay dapat i-address at ihain sa Malakanyang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply