Panahon mas magiging malamig pa, 1 bagyo nakaamba

MAS magiging malamig pa ang panahon sa umaga habang papalapit ang Kapaskuhan, bunsod ng cold front na nakakaapekto sa northern Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan ding magkakaroon ng isa pang bagyo na tatama sa Pilipinas bago matapos ang taon.

“We expect colder mornings due to the northeast winds and tail-end of a cold front affecting Northern Luzon,” ayon kay PAGASA forecaster Elvie Enriquezsa isang panayam sa  dzBB.

Kaugnay nito, makararanas ang Mindanao ng maulap na papawirin at panaka-panakang pag-ambon bunsod ng inter-tropical convergence zone (ITCZ).

“Northern and Eastern Luzon, Eastern Visayas, Mindanao and Palawan will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms. The rest of country will be partly cloudy to cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms,” ayon pa sa PAGASA.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply