Panawagang palayain ang Morong 43 lumalakas

Nagmartsa ngayon tanghali ang iba’t ibang organisasyon mula Espana patungong Mendiola upang ipanawagan ang paglaya ng Morong 43 health workers na halos sampung buwan ng nakapiit

Ang protesta na pinangunahan ng mga manggagawang pangkalusugan sa pangunguna ng Community Medicine Development Foundation (COMMED) ay sinuportahan ng mga grupo ng abogado tulad ng Integrated Bar of the Philippines, National Union of Peoples Lawyer at International Association of Democratic Lawyers.

Ayon kay Dr. Julie Caguiat, director ng COMMED, panahon na upang magpakatotoo si Pangulong Aquino ukol sa isyu ng mga nakapiit na manggagawang pangkalusugan.

Dagdag pa ni Caguiat, nakapanghihinayang na  nanawagan pa si PNoy sa pagpapalaya habang nabubulok sa kulungan ang mga health workers

Nauna ng sinabi ng pangulo na may butas ang legalidad ng pag-aresto sa mga manggagawang pangkalusugan.

Ayon s grupo, lalong lumala ang insidente ng illegal na pag-aresto sa bansa kung saan may 20 biktima ng extra-judicial killings sa unang apat na buwan ni PNoy kumpara sa 18 extra-judicial killings huling anim na buwan ni Gloria Macapagal-Arroyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply