Pangangaroling ng mga paslit bawal na

PINAGBABAWALAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pangangaroling ng mga bata sa lansangan upang maalagaan ang kanilang seguridad at kalusugan ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa DSWD, ipatutupad ito ngayong buwan ng Disyembre sa Metro Manila kung saan napakarami ang mga batang lansangan nangangaroling.

Batay sa artikulo na inilathala ng DSWD website, Miyerkules, magsasagawa ang ahensya  ng “Paskong Ligtas sa Batang Kalye: Kapwa Natin Palayain sa Panlilimos ngayong Pasko .”

Ayon pa sa DSWD, layon ng naturang proyekto na maiwasang maaksidente ang mga batang nangangaroling sa mga lansangan na sumasampa sa mga pampublikong sasakyan upang upang humingi ng pera sa mga pasahero.

Nabatid na nagsasagawa ng alternatibong proyekto ang naturang ahensiya kung saan makakapagkaroling ang mga bata ngunit gaganapin ito sa iba’t ibang venue na magsisimula sa Disyembre 10 hanggang 18.

Nakatakda namang magdaos ng isang grand Christmas Party sa Disyembre 19, kung saan magkakaroon ng pagbibigayan ng regalo, makatatanggap din sila ng mga Noche Buena food packs, at may ihahanda ring mga pagkain.

Ihahanda rin ang “soup kitchen” sa ikasiyam na araw ng Simbang Gabi.

Magsasagawa rin sila ng mga arts at crafts, storytelling, book parade, performing arts, team sports, at youth leadership workshop, at reflection sessions para sa mga street children.

“These activities will be done in safe and clean streets as venues,” saad pa ng the DSWD .

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply