Papua New Guinea, niyanig ng malakas na lindol

ISANG malakas na lindol ang yumanig sa Papua New Guinea, Huwebes ng umaga.

Ayon sa Geological Survery, naitala ang preliminary magnitude ng 6.9 at yumanig sa 20 miles (32 kilometers) sa ilalim ng karagatan.

Niyanig ng naturang lindol ang New Britain, 295 miles (470 kilometers) northeast ng national capital Port Moresby.

Nagbigay naman ng statement ang Pacific Tsunami Warning Center na walang nakaambang panganib na magkakaroon ng  tsunami sa naturang lugar.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply