Para-Athletes, bibigyan ng benepisyo

ISUSULONG sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang panukalang batas na magbibigay ng cash, non-monetary benefits at incentives sa mga national athletes kabilang na ang mga differently-abled kasama ang kanilang mga coaches at trainers.

Nakasaad  sa House Bill 939 ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist Rep. Mark Aeron Sambar ang kahilingang amyendahan ang  batas na mas kilala bilang National Athletes, coaches and  Trainers Benefits and Incentives o Republic Act 9064 na isinabatas noong 2001.

Nilalayon ng panukala ni Sambar na hindi lamang ang mga  regular na atleta ng bansa na sumasabak sa international na kompetisyon kundi maging ang mga differently-abled o Para-Athletes ang sasakupin ng Philippine Sports Commission (PSC).

Saklaw din ng naturang panukala ang pagbibigay ng benepisyo sa  mga  trainers at coaches ng mga Para-Athletes dahil may malaking kontribusyon din ang mga ito sa pagbibigay karangalan sa bansa sa pagwawagi mula  sa mga  international  competitons.

Sinabi ni Sambar na sa sandaling maisabatas ang nasabing panukala ay makatatanggap ang mga Para-Athletes na mananalo sa mga international competitions ng maraming benepisyo mula sa gobyerno. Beth Aragon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply