Para kay Willie: Shalani payag kahit mag-show sa kalye

NARINIG ni Shalani Soledad ang naging pahayag ni Willie Revillame sa Willing Willie tungkol sa bagong kasong isinampa naman ng ABS CBN para tuluyang mapahinto ang show ni Willie at mapatigil na rin sa pagho-host ito.

Kaya naman nangako si Shalani na susuportahan niya at ang staff ng WW si Willie hanggang sa huli at dahil diyan ay posibleng samahan pa ng ex-girlfriend ni PNoy ang actor/TV host sa hearing nito sa Regional Trial Court ng Makati sa Martes.

May kinalaman ang paghaharap ng magkabilang panig sa P127 million copyright infringement case na isinampa ng ABS CBN laban kay Willie at TV5 dahil sa bintang na panggagaya ng Willing Willie sa format ng defunct show na Wowowee.

Kamakailan, inilabas ni Willie sa show niya ang nararamdaman sa latest move ng kanyang dating home studio.

“Ang ABS CBN idinemanda na naman ako. Nag-file po sila sa Makati naman pagkatapos ng Quezon City.

“Palagay ko iikutin nila ang buong Pilipinas para makasuhan lang ako. Ganyan po ang nakikita ko diyan.

“Hindi nila ako titigilan kasi po ang kontrata ko sa kanila ay dapat hanggang September 2011.

“Eh, sabi po nila sa akin, hindi raw ako gusto ng mga tao. Binibigyan nila ako ng once a week na show. Ang kontrata ko po eh, 6 times a week na show.

“Ngayon po, nag-file na naman sila. Ang sabi nila ngayon, ginagaya raw namin ang Wowowee.

“Sino po ba ang Wowowee? Sino po ba ang nag-iisip sa Wowowee? Kapag may problema sa ABS, sa Wilyonaryo, nagkaroon ng technical glitch, ang technical staff ang nagkaproblema, sino ba ang inihaharap nila sa mga tao.

“Di po ba, ako ang humaharap sa inyo?

“Nagkaroon po ng stampede (sa Ultra), 71 dead people. Sasabihin ko na po, kinikimkim ko ito kaya lang, ayaw nila akong tigilan. May respeto pa rin ako sa kanila.

“Sino po ba ang dumalaw sa burol gabi-gabi? Ako rin po,” ang mahabang pahayag ni Willie

Asahan na dagsa ang fans ni Willie sa araw ng hearing ng dalawang kampo dahil inimbitahan ng TV host na samahan siya sa paghaharap nila ng mga tauhan ng ABS CBN.

Nagbitaw pa ng salita si Willie ng kung sakaling ma-TRO ang Willing Willie ay itutuloy pa rin niya ang show sa harap ng Novaliches studio ng TV5 para maipagpatuloy ang pagbibigay niya ng kasiyahan at pag-asa sa mga tao.

GOV. VI ON LUIS-ANGEL: BAKA NOT MEANT TO BE

Sa Thanksgiving lunch na handog ni Lipa Governor Vilma Santos sa entertainment press ay di nakaligtas si Gov na tanungin about Luis Manzano. Aniya, nag-e-enjoy si Lucky sa buhay nito.

‘Yung tungkol kay Luis at sa ex-girlfriend nitong si Angel Locsin. Naniniwala si Ate Vi na kapag hindi natuloy ang isang bagay ay hindi raw yun meant to be.

Inamin ni Ate Vi, nalungkot siya na nagkahiwalay ang dalawa dahil naging close na rin sila ni Angel.

“Nakakalungkot, pero ang point ko ay kung hindi sila para sa isa`t-isa, huwag na nating pilitin. Sana bigyan naman natin sila ng space. Kasi minsan kapag nagagatungan ay lalong lang gumagrabe, di ba?.

“Let`s give them space. If they`re meant to be, I`m sure magkakabalikan. If they`re not, ang sabi ko lang kay Luis, “Luis, iwan mo yung friendship and at the same time, iwan mo yung respect. I guess that`s the most important thing that you can do being a gentleman,” pahayag ni Ate Vi.

***

Nakatsikahan namin si Trice Gomez na nagsimula bilang sikat na modelo sa larangan ng fashion show.

Natigil sa pagmo-model si Trice dahil sa sobrang kaseksihan at kagandahan ay napasok siya sa showbiz pero hindi rin nagtagal dahil tinapos niya ang pag-aaral at ngayon ay isa na siyang matagumpay na negosyante.

Pero kasabihan nga na kapag napasok ka sa showbiz ay mahirap itong kalimutan dahil hinahanap-hanap mo ito kahit na sabihin matagumpay ka nang negosyante.

Nakapagpatayo na siya ng isang maliit na hotel sa Calamba Laguna at ng resort. Pero di nakaligtas si Trice sa maging biktima ng isang malaking scam.

Nahikayat kasi siyang pumasok sa investment business na di niya sukat akalain na dito pala siya mabibiktima na mahigit kalahating milyong pesos.

Dahil sa sinapit ay dito na muling nabuo sa kanyang isipan na balikan ang kanyang tunay na mundo, ang mundo ng showbiz.

Umaasa si Trice na muling sisigla ang career sa tulong ng bagong manager na si direk Elmer De Vera.

Tsika pa ni Trice na tulungan siya para muling makabalik sa showbiz sa pamamagitan ng pagsusulat about her. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply