Parangal kay Rizal, pinangunahan ni PNoy

PINANGUNAHAN nitong Huwebes ni Pangulong Benigno Aquino III ang paggunita sa ika-114 anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal kahapon sa Luneta, Maynila.

Ang programa ay kasabay ng mga gawain sa Rizal Shrine sa Calamba, Laguna at Talisay, Dapitan, kung saan nagsagawa ng lecture series na pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines para balikan ang kabayanihan ni Rizal.

Kabilang sa mga sumaksi sa programang isinagawa sa Luneta sina Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., Bise Presidente Jejomar Binay at Manila Mayor Alfredo Lim.

Sama-sama nilang hinawakan ang lubid na nagtaas ng bandila ng Pilipinas habang inaawit ang pambansang awit na Lupang Hinirang.

Kasunod nito ang pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal na nilahukan ng mga miyembro ng pamilya nito na sina Enrique Hermoso Jr., Amelia Yulo, Gemma Cruz-Araneta, Ramoncito Reyes at Genaro Mendoza.

Sila ay mga kaapu-apuhan ng mga kapatid na babae ni Rizal na sina Lucia, Narcisa, Maria Saturnina at Soledad.

Naka-half mast ang bandila ng Pilipinas bilang pagkilala sa kabayanihan ni Rizal, na namatay sa firing squad noong 1896 matapos pagbintangang nanguna sa pagaaklas laban sa mga Kastila.

Si Rizal ang may-akda ng mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere na ang nilalaman ay ang pakikibaka ng bansa sa mga mananakop noong panahon ng Kastila. Kris Jose

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply