Pasahe sa provincial buses, tataas sa Enero

DAHIL sa pagtaas ng singil sa South Luzon Expressway (SLEX), magtataas ng pasahe ang provincial buses na dumadaan dito.

Ayon kay Homer Mercado, pangulo ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), aabot sa 30 hanggang 50 sentimos kada kilometro ang itataas ng pasahe sa mga nabanggit na pampublikong sasakyan.

Sa kasalukuyan, P130 ang minimum na pasahe ng ordinaryong provincial bus, samantalang P160 naman sa air-conditioned bus.

Gayundin, sinabi ni Jose Aguido, pangulo ng Metro Bus Operators (MBO) na magtataas sila ng pasahe sa mga passenger bus sa Metro Manila.

Ang hakbang ay reaksyon ng PBOAP at MBO sa pahayag ng Toll Regulatory Board (TRB) na aabutin ng 300 percent ang itataas ng singil sa SLEX.

Di pa naman nagbangit ang Metro Manila bus operators kung magkano ang itataas nila sa pasahe. Dedesisyunan pa ito ng kanilang mga miyembro sa susunod nilang pagpupulong. Santi Celario

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply