Pasanin ng mga pasaway na driver, iibsan

MAIIBSAN na ang hirap na dinaranas ng mga tsuper sa tuwing makukumpiska ang kanilang lisensya kasunod ng mga paglabag sa batas trapiko.

Ito ay kung maisabatas na ang House Bill 3478 nina DIWA Partylist Rep. Emmeline Aglipay at Pasig City Rep. Roman Romulo.

Nilalayon ng nasabing panukala na maging madali ang pagpapatupad ng mga batas trapiko hindi lamang sa mga lungsod kundi pati sa mga munisipyo.

Sa ngayon ayon kay Aglipay, ang ipinatutupad na multiple traffic system ay lumilikha lamang ng iba’t ibang uri ng suliranin at kalituhan sa drivers.

Batay sa panukala, magkakaroon lamang ng iisang ahensya kung saan maaaring magbayad ang sinumang driver na natiketan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Philippine National Police (PNP) at Land Transportation Authority (LTO).

Hindi na rin magiging mahirap ang pagbabayad ng multa sa paglabag sa batas trapiko dahil di na lang sa LTO kundi kahit saang ahensiya ng gobyerno ay puwede nang magbayad ng multa, ayon sa panukala.

Sa kasalukuyan, ang sinumang lumabag sa trapiko ay kinukumpiskahan ng lisensya at binibigyan ng tiket na karaniwang hindi kinikilala ng ibang ahensya maliban sa LTO.

Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng panibagong kasong “driving without license” ang mga drayber. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply