Paslit dinukot sa Cotabato, ama pinatay

DINUKOT ang isang batang babae habang binaril at napatay ang kanyang negosyanteng ama ng mga notorious criminal group sa North Cotabato.

Ayon kay Maj. Gen. Arthur Tabaquero, commander ng Armed Forces’ Eastern Mindanao Command, isa sa mga suspek ang nahuli makaraang tumakas gamit ang kanilang getaway vehicular .

Ayon pa sa report ni Tabaquero, ihahatid sana ng ama ang kanyang 8-anyos na anak sa eskuwelahan gamit ang kanilang motorela nang harangin sila ng limang kalalakihan na sakay ng kanilang motorsiklo sa national highway sa bayan ng  Pigkawayan bandang 6:45 a.m.

“The abductors shot and killed the girl’s father . . . who resisted the armed men,” saad nito.

Batay pa sa inisyal na report, pinaharurot ng mga suspek ang kanilang sasakyan patungong Cotabato City tangay ang bata.

Ayon pa kay Tabaquero, hindi nakuha ang pagkakakilanlan ng mga suspek ngunit tiniyak nito na napapabilang ang grupo sa Pentagon Group.

“The victim has not been released yet. She is still with the abductors. The troops are still pursuit. The victim is unreleased,” dagdag pa ni Tabaquero.

Kaugnay nito, nagsasagawa na ang 40th Infantry Battalion ng operasyon upang mailigtas ang biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply