Paslit na dinukot sa Cotabato, ligtas na

NAILIGTAS na ng Philippine National Police (PNP) ang batang dinukot kahapon ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Pentagon Kidnap for Ransom Group.

Ayon kay Police Region XII Director Chief Supt. Gil Meneses, nailigtas sa mga kamay ng kidnapers si Kristina Tamayo sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PNP at Armed Forces of the Philippines
(AFP)  bandang 5:30 ng madaling-araw sa South Maluwagan, Pigkawayan, Cotabato.

Nabatid kay Meneses na limang suspek ang nagawa pang nakatakas habang isa naman ang naaresto. Namatay naman sa ospital ang isa pang suspek na nasugatan sa hot pursuit.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply