Payroll money tinangay ng mga holdaper

NATANGAY ang  perang suweldo sana sa mga kawani ng Ramos General Hospital sa Tarlac City makaraang holdapin ng tatlong armadong kalalakihan ang accounting clerk ng naturang ospital sa bangkong pinagkuhanan nito.

Naagaw ng mga suspek ang bag na naglalaman ng P300,000 mula sa accounting clerk na si Jenny .

Ayon kay Central Luzon Police Director C/Supt. Allan Purisima, kinuha ni Abad kasama ang drayber na si Rando Ambrosio ang pera sa Metrobank. Nang patungo na sila sa Sygma Bank upang magpapalit lamang ng barya, hinarang ang sinasakyan nilang Toyota Innova ng isang itim na motorsiklo na walang plate number sa Bgy. Ligtasan, Tarlac.

Tinutukan aniya ng baril ng mga suspek ang dalawa subalit nakatalon si Ambrosio at humingi ng tulong sa guwardya ng Sygma Bank.

Agad namang nakatakas ang mga suspek bago rumesponde ang mga guwardiya tangay ang naturang salapi.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply