PBA team owners tackle vital issues

MAGPUPULONG ang team owners ng Philippine Basketball Association (PBA) tungo sa pagtalakay sa ilang mahahalagang paksa na isusulong sa papasok na taon.

Bukod sa mga team owners, maging ang kani-kanilang kinatawan sa Board of Governors ay dadalo rin sa meeting na idaraos sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City sa Enero 25.

Paksa ng talakayan ay ang planong pagpapatayo ng sariling PBA Coliseum, ang pagpapalit ng television coverage rights at ang posibilidad na pagsali sa pro-league teams sa national competitions.

Inaasahang dadalo sa meeting sina Ramon Ang ng San Miguel Corporation at ng Ginebra San Miguel, Bert Lina ng Air21, Manny V. Pangilinan ng Talk ‘n Text at Meralco, Terry Que at Raymond Yu ng Rain or Shine, George Chua ng Barako Bull at Jose Bayani Baylon ng Coca Cola at Powerade.

Si Alaska Milk owner Alfred Uytengsu ay nagpatawag din ng pagdalo, ayon kay PBA commissioner Chito Salud.

Malaking isyu na papaksain ang malapit ng mapasong kontrata sa coverage ng Solar TV at ang higit na pagsasanay sa mga pro-players na layuning pagpasok at paglahok sa mga international competitions. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply