PCSO iimbestigahan ng Palasyo

IIMBESTIGAHAN ng Malakanyang ang napaulat na kapabayaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nauwi sa pagkamatay ng sanggol na si Jesus Raphael Catiis kamakailan.

Tiniyak ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na masusing beberipikahin ng Palasyo  ang insidente bago magpalabas ng opisyal na posisyon sa usapin.

“We are still verifying from PCSO what happened. But, it’s not true that PCSO has stopped giving medical assistance,” ayon kay Usec. Valte.

Sinusugan naman ito ni presidential spokesman Edwin Lacierda, na nagsabing, “We’ll have that verified.”

Isinisisi ng pamilya Catiis sa PCSO ang pagkamatay ng batang Catiis dahil hindi agad ibinigay ng nasabing ahensiya ang P1-milyon pondo na gagamitin sana para sumailalim sa isang liver transplant operation ang bata sa Taiwan.

Ang batang Catiis ay nangangailangan ng P4.5 milyon para sa kanyang liver transplant.

Sinasabing 3.5 milyon na ang napangalap ng pamilya Catiis at ang P1 milyon na kakailanganin sa liver transplant ay magmumula sa PCSO na una nang inaprubahan ng nakalipas na board of directors ng PCSO.
Pero sa hindi malamang dahilan ay kinansela ni PCSO chair Margie Juico ang naunang inilabas na resolusyon ng PCSO na nagbibigay ng P1 milyon para sa pagpapagamot ng bata.

Bukod sa pondo ng batang Catiis, kinansela rin umano ni Juico ang iba pang medical assistance na inaprubahan na ng dating administrasyon. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply