People’s Tonight kampeon sa Inter-Publication tourney

INAGAWAN ng People’s Tonight ng trono ang hari ng inter-publication basketball tournament na Philippines Star matapos nila itong ilampaso sa championship ng Remate/Ahon Foundation Inter-Publication Basketball Tournament na ginanap sa San Andres Sports Complex, Manila.

Matamis na panalo ang nalasap ng People’s Tonight na nagkampeon sa unang  pagkakataon sa inter-publication basketball tournament dahil sila rin ang unang humiya sa malakas na koponan ng PhilStar na matagal ng may hawak nang trono sa tournament.

Hindi umubra ang Starmen sa lakas ni Niño Marquez (8) na kumamada ng 42 points at  lumaro na parang wala ng bukas upang maiangat sa panalo ang kanyang team.

Inabot ng kamalasan ang PhilStar dahil sa huling 5 segundo ng regulasyon, lamang ang People’sTonight ng 3 puntos sa iskor na 90-87, ay nasayang ang kanilang dalawang 3-point attempts na umikot lang sa ring.

Laking panghihinayang ng Starmen dahil kung naibuslo nila ang isa sa 3-point attempts nila ay malamang na nauwi sa overtime ang laro at siguradong matatalo  ang People’s Tonight na may anim na team members lang at ang lahat ng player ay nasa foul trouble pa.

Matamis ang naging ngiti ni Melvin Casas, playing coach/manager ng Peoples Tonight, habang tinatanggap ang championship trophy at cash prize dahil hindi nila malilimutang panalo.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply