Petalcurin, Dornilla magbubugbugan sa Sabado

DALAWANG Philippine Boxing Federation title fights ang sasabog sa Municipal Gym in GLan, Sarangani sa Sabado kung saan tampok ang sagupaan nina Randy Petalcurin (9-1, 8 KO’s) at Allan Dornilla (7-3, 3 KO’s).

Ang laban na ito ay rematch na ng dalawa dahil si Doronilla ay natalo na ng 2nd round TKO at sisikapin niyang makaganti kay Petalcurin sa sinapit niya noong July 23.

Si Petalcurin ay 18-anyos ay sariwa pa sa 1st round knockout kay Rey Morano noong October 6 at umiskor din siya ng 8th round knockout kay Charlie Cabille noong September 5.

Sa kabilang dako, nagtamo si  Doronilla 4th round TKO loss kay Ti Yamagata Sentillas noong September 16.

Samantala, sa Siaton, Negros Oriental, matagumpay na nadepensahan kamakalawa ni Jason Egera ang kanyang Philippine Boxing Federation (PBF) superbantamweight title matapos umiskor ng fourth round technical knockout win laban kay Jestoni Pepito ng Cebu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply