Petisyon ng mga kuliglig, ibinasura ng korte

IBINASURA na ng Manila Regional Trial Court Branch 39, ang petisyon ng kuliglig drivers  na magpalabas ng temporary restraining order para pigilin si Manila Mayor Alfredo Lim sa pagpapatupad ng Executive Orders 16 at 17 na nagbabawal na bumiyahe sa mga pangunahing kalye sa lungsod ng Maynila simula Disyembre 1.

Ang kahilingan ng Alyansa ng Nagkakaisang Pedicab at Kuliglig Drivers ng Manila (Alnapedku) na mabigyan ng temporary restarining order (TRO) ay hindi pinagbigyan dahil na rin sa napapaloob sa order ni Presiding Judge Noli Diaz na may kapangyarihan ni Lim na ipapatupad ang trapik sa mga kalsada sa Maynila at nagkataon lamang na ang kuliglig drivers at operators ang naapektuhan sa pagpapatupad ng nasabing executive order.

Idinagdag pa ng hukom na hindi sapat ang ebidensiya ng kuliglig drivers na mayroon silang karapatan na dapat proteksyunan sa nabanggit na  EOs, kaya kailangan nila ng TRO.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Atty. Elias Omar Sana, abogado ng Alnapedku sa nabanggit na kautusan ng korte.

Inatasan ng korte ang magkabilang panig na isumite ang kanilang position paper kaugnay sa petisyon para sa writ of preliminary injunction, para mapigil ang nabanggit na executive orders habang patuloy ang pagdinig ng korte sa petisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply