PH Patriots reresbak sa ABL

KASUNOD ng dalawang kabit na panalo sa AirAsia Asean Basketball League season 2 inaasahan ng mga team owner at coaching staff ng AirAsia
Philippine Patriots na mapapatibay sa susunod na paglalaro ang pagdepensa sa tangang korona.

Kasalukuyang nakabuntot sa Chang Thailand Slammers tangan ang 9-3 win-loss record ang nasa tuktok na Thai Team ng 6-nation torneo ang PH Patriots na hawak ang 8-4 slate at patuloy sa pagganda ng laro, dahil sa pagbabalik ng 2009 most valuable player na si Gabe Freeman na naging istrumento sa panalo kontra Singapore Slingers, 80-73 sa homecourt game noong Disyembre 18.

Malalaking puntos din ang naiambag ng mga local ex-PBA player na sina Egay Billones, Chito Jaime at Benedict Fernandez. Pumuntos ang 5-foot 11 na veteran guard na si Billones ng 21 points, tampok dito ang isang three point shots samantalang ang ex-La Salle Green Archers na si Junjun Cabatu ay napanatili ang average niyang 8.6 points at 4.9 rebounds sa 12 paglalaro niya sa Patriots. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply