PHL football team may pag-asa sa kampeonato

MATAPOS na maitabla ang laban sa three-time Asian Football champion Singapore at talunin ang defending champion Vietnam, inamin ni Philippine football team manager Dan Palami na malaki ang tiyansa na makapasok sila sa semifinals sa ginaganap na Suzuki Cup sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay Palami, sinabi nito na kailangan lamang ng draw para sa laban sa Myanmar bukas ng gabi o mas maganda umano kung maipanalo ito para sigurado na ang ticket para sa semis.

“Malaking sakripisyo ang pinagdaanan ng Philippine team, para unti-unting makilala ang mga Pinoy sa larangan ng football na pinaghaharian ng taga-Europa,” ani Palami.

Hindi rin nito alam kung paano nangyari ang lahat lalo na noong tinalo ang powerhouse na Vietnam at Singapore, ani Palami.

Aniya, ang naging susi sa panalo ng Philippine team ay ang tiwala sa sarili kaya’t nagawa nilang i-upset ang crowd favorites.

Dagdag pa nito, anuman ang mangyari sa Asian Football Federation tournament ay aakyat na sa FIFA rankings na number 155 ang Pilipinas mula sa dating 167, ang pinakamataas na ranggo na naabot ng bansa.

Blue Eagles dinagit ang 3rd PCCL crown
PINATUNAYAN ng Ateneo Blue Eagles na hindi tsamba ang dalawang pagkakasungkit ng tropeo ng Philippine Collegiate  Champions League (PCCL) ng muling sunungin ang korona sa pagpapalagapak sa Adamson Falcons sa third and final game, 73-67, sa The Arena sa San Juan, City.

Si King Eagle captain ball Kirk Long na bumanat ng 5 three pointers ay nakapag total ng 25 puntos na sinusugan ni Nico Salva ng 14.

Dalawang Eagles na sina Salva at Long, dalawang Falcons na sina Lester Alvarez at Alex Nuyles at ang higanteng si Junmar Fajardo ang bumuo sa mythical five ng PCCL tournament. Dagdag parangal kay Salva ang pagkakahirang na Most-Valuable-Player of the conference dahil sa ipinakita niyang katatagan sa gitna ng mga laro nang inaalat ang kanyang mga ka-teammate. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply