PHL Football team naghimala sa Vietnam

HINDI sukat akalain ng defending champion Vietnam na tatalunin sila ng Philippine football team sa ginaganap na Suzuki Cup sa Vietnam sa My Ding Stadium sa Group B encounter.

Binigla ng mga Pinoy ang mahigit 40,000 football fans dahil sa kanilang ginawang upset victory kung saan sila ang itinuturing na pinakamahinang team sa torneo.

Naging bayani sa panalo ng Pilipinas sina Filipino-American Chris Greatwich at Phil Younghusband matapos na maka-iskor ng tig-iisang goal.

Una rito, nakapagtala ng draw ang mga Pinoy sa laban kontra Singapore sa score na 1-1 sa opening match noong Huwebes ng gabi.

Isang draw lamang ang kailangan ng mga Pinoy football players sa kanilang laro sa Myanmar para makaabanse na ito sa semifinal round.

Sa ngayon ay meron ng dalawang talo ang Myanmar at wala pang panalo.

Nakatakdang magtuos ang dalawang team sa Miyerkules ng gabi. Ang panalo kagabi ng Pilipinas laban sa host ang itinuturing ngayon na “biggest upset” sa torneyo habang sobra naman ang pagkadismaya ng fans ng Vietnam.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply