Pilipinas no. 1 BPO country na; India taob sa no. 2

TULUYAN nang pinataob ng Pilipinas ang India na dating naghahari sa mundo pagdating sa business process outsourcing (BPO) na siyang dahilan ng pagkalat ng mga call center sa iba’t ibang panig ng daigdig.

“For business support functions (such as shared services and business process outsourcing) the Philippines has taken over the lead in the global ranking from India, after having challenged the top position for several years,” anang IBM sa pinakabago nitong “Global Location Trends” annual report na inilabas kamakailan.

Anang IBM, ito ang unang pagkakataon na hindi ang India ang nanguna sa listahan.

Pareho ang Pilipinas at India pagdating sa “attractive business environment,” ayon sa IBM. Ngunit ang labor cost sa Pilipinas ay di tumaas tulad ng sa mga “hot spots,” sa India, ayon pa sa report.

Sa dalawampung bansang nanguna sa shared services at BPO nitong 2009, kapansin-pansin ang biglang pag-angat ng China. Nasa panlimang puwesto na ito mula sa pang labing-tatlo lamang noong 2008.

“China is continuing its ascent as a services destination and confirms it should not be considered anymore as merely the world’s factory,” anang IBM.

Isa pang nagpakitang gilas ay ang Sri Lanka na dating wala sa listahan ngunit naging pang labing dalawa ng nakaraang taon.

“Sri Lanka is another Asian country that has succeeded in positioning itself as an alternative to India,” anang report.

Samantala, kapansin-pansin ang biglang pag-angat ng BPO industry sa ilang bansa sa Latin America tulad ng Costa Rica at Colombia.

Gayundin ang Fiji na wala dati sa listahan ngunit naging pang-siyam nitong 2009.

Top ranking destination countries by estimated jobs in business support services

2009 vs (2008):

1.(2) Philippines
2.(1) India
3.(3) US
4.(5) Poland
5.(13) China
6.(4) UK
7.(11) Colombia
8.(14) Costa Rica
9.(-) Fiji
10. (-) Ireland
11. (-) Sourth Africa
12.(-) Sri Lanka
13. (15) Hungary
14. (20) Australia
15. (-) Egypt
16.(-) Chile
17. (6) Canada
18. (16) France
19.(-) Singapore
20.(–) Netherlands

Soledad Montes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply