Pinay sa Saudi, binawi ang akusasyong pangrerape ng kanyang amo

WALANG katotohanan ang ibinibintang ng isang domestic helper na Pinay sa Saudi Arabia na ilang beses siyang ginahasa ng kanyang amo.

Ito ay batay sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan nakatanggap umano sila ng report galing sa embassy ng Riyadh na inamin na umano ng katulong na gawa-gawa lamang niya ito upang makuha ang atensyon ng Philippine embassy upang maresolba ang totoong problema nito. Napag-alaman sa naturang pinay na hindi  umano siya pinapasahod ng kanyang amo.

“She expressed gratitude to the Embassy for requesting the Saudi agency to get her from the residence of her employer, and apologized for causing such an alarm as her allegations are untrue,” batay sa inilathala ng DFA sa kanilang website.

“The embassy is concerned that she lied for her own convenience. She spun tales as if she were telling the truth without regard for the consequences. We stopped working on other urgent cases just to accommodate her request to be rescued,” ayon sa isang embassy official na hindi pinangalanan sa isang lathala sa  Arab news.

“It was a weekend when she needed to be rescued. It was difficult because we could not secure the necessary permit from the governor’s office to enter her sponsor’s house in a private compound,” batay pa sa naturang opisyal.

Ang aksyon ng naturang Pilipina ay hindi patas sa mga OFWs na may lehitimong reklamo at kinakailangan ng agarang kalutasan.

Batay sa DFA, nagsagawa na ang naturang domestic helper ng isang affidavit, sinasabing walang katotohanan ang kanyang mga paratang.

“In light of this affair, the Embassy wishes to remind Filipinos to be more circumspect in matters such as this as such acts have serious consequences, including criminal liability … The Embassy continues to exert its best efforts to assist those who are distressed,” ayon naman sa Philippine Embassy.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply