Pinoy medical workers, kwidaw sa pekeng ospital sa Switzerland, Israel, Guam

PINAG-IINGAT ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang medical students, graduates, at practitioners na umano’y nagiging paborito ngayon ng “employment scammers.”

Ayon kay POEA administrator Jennifer Jardin-Manalili, nakatangap ang ahensiya ng mga ulat ukol sa nangyayaring ilegal at huwad na recruitment ng mga medical professionals at skilled workers sa Switzerland.

Ayon sa Philippine Embassy sa Bern, huwad daw ang tinatawag na Semino Private Hospital sa nasabing bansa sa Europa.

Ang huwad na hospital ay nag-aalok umano ng student program at internship jobs sa Switzerland.

“(It) does not exist…Some applicants reported that Semino recruits medical students through e-mail and offers substantial allowances to lure its victims,” anang POEA sa isang pahayag.

Meron pa raw itong mock website na hosted sa Nigeria.

Sa nasabing website, ang Semino umano ay may parehong address sa Clinique Cecil, isang prestihiyosong hospital sa Avenue Ruchonnet 53, CH -1003 Lausanne, Switzerland.

Sa Israel naman, pinag-iingat ang mga Filipino medical practitioner sa mga huwad na recruiters na nag-aalok ng nursing jobs sa Jordan Valley Medical Center.

“The jobs were found to be fictitious as no such hospital exists. Israel has job openings for home-based caregivers but not for nurses,” ani  Philippine Labor Attache Merriam C. Cuasay.

Samantala, inalerto ng Philippine Consul General sa Agana ang POEA sa mga pekeng ospital sa Guam, partikular na ang Guam General Hospital na may website na www.guamgeneralhospital.com na naghahanap naman ng mga nurse.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply