Pinoy netters kuminang sa Columbian Open

KAPWA naramdaman ang presensya ng mga Fil-foreign netters sa Philippine Columbian Association (PSA) Open Tennis Championships nang rumatsada sa women’s at men’s singles sa PCA clay courts sa Paco.

Si Desirae Krawczyk, ang 16-anyos na Fil-Am junior netter, ay pinatalsik si Christine Patrimonio, 7-6 (1), 6-3, dahilan upang masungkit ang kauna-unahang women’s crown sa tatlong linggong paglalaro sa Maynila.

Samantala, si Marc Sieber, isang promising Fil-German na nakabase sa Munich, ay dinomina si veteran campaigner at dating Davis Cupper Johnny Arcilla, nang iposte ang 6-2, 6-4, 6-1 win na nagbigay sa kanya ng men’s singles crown.

Si Krawczyk na ang ina ay taga-Cagayan ay nagbulsa ng P50,000 top prize sa women’s side habang si Sieber na ang ina naman ay tubong Cagayan de Oro ay nag-uwi ng P100,000 top prize sa men’s division.

Nang makuha ang men’s crown, nakuha ni Sieber ang atensiyon ng mga local tennis officials nang ikonsidera siyang malakas na pambato sa Philippine Davis Cup team sa susunod na taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply