Pinoy sa California, kabilang sa lawyers’ multimillion-dollar group

ISANG Filipino-American ang ipinagmamalaki sa California ngayon dahilan sa pagiging hotshot lawyer niya.

Sa ulat kamakailan ng Asian Journal, inanunsiyo na life member si Atty. Darren Manibog ng Million Dollar Advocates Forum at Multi-Million Dollar Advocates Forum.

Ang Million Dollar Advocates Forum ay kinikilala bilang isa mga sa prestihiyosong grupo ng trial lawyers sa United States. Ang membership sa grupong ito ay limitado sa mga abogado na nakapanalo ng mga kasong may multi-million-dollar verdicts, awards, at settlements.

Mas maliit pa sa isang porsyento ng US lawyers ang kasapi ng nasabing grupo, at si Manibog ay isa sa mga bihirang mga abogadong ito.

Si Darren ay anak ni G. Monty Manibog na pinaniniwalaang unang Filipino-American na abogado na nakapasa sa California Bar Exam noong 1961 at nagpraktis ng kanyang propesyon sa Southern California.

Si Darren naman na board member ng Philippine American Bar Association, ay sinimukan ang kanyang career bilang civil litigation attorney sa Allen, Matkins, Leck Gamble & Mallory, LLP law firm sa Los Angeles.

Nagtrabaho rin si Darren sa Guam, kung saan isa siya sa abogado sa $120-million construction defect jury trial.

Sa ngayon, naka-focus si Darren sa mga kasong may kinalaman sa personal injury at business dispute jury trials, pati na sa workers’ compensation actions.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply