Pinoy UFC Fighter vs Silva sa Enero 1

IPINAHAYAG ni Pinoy pride Brandon Vera (11-5 MMA, 7-5 UFC) na nakahanda na siya sa kanyang light-heavyweight bout kay Thiago Silva (14-2 MMA, 5-2 UFC)sa Enero 1 sa susunod na taon sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas bilang bahagi ng UFC lightweight champ Frankie Edgar vs. Gray Maynard clash.

Si Vera ay anak nina Pinoy Ernesto Vera at Italian-American Amelia Vera kung saan may kapatid siyang pitong lalake at tatlong babae.

Siya ay natuto ng wrestling sa Lake Taylor High School at nakakuha pa ng four-year athletic scholarship sa Old Dominion University bago napunta sa United States Air Force.

Ang Vera vs. Silva ay magaganap dahil si UFC featherweight champion Jose Aldo ay umatras sa UFC 125 co-headliner kay Josh Grispi dahil sa injury.

Si Grispi ay lalaban na lang kay Dustin Poirier na ang bout ay kahapon pa lamang ginawang official para sa preliminary card.Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply