Pipeline ng FPIC kukumpunihin na: Magallanes flyover isasara

IPASASARANG muli ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang isang lane ng Magallanes Flyover bunsod ng pagkukumpuni sa ilang bahagi ng First Philippine Industrial Corp. (FPIC) pipeline na halos nasa gilid lamang ng pundasyon ng flyover.
Ayon kay DPWH National Capital Region (NCR) Director Reynaldo Tagudando,  ginagawang matibay ang palibot ng hinukay na bahagi ng pipeline sa may kanto ng Osmeña Highway at Bonifacio Street.
Dahil dito, nag-abiso si FPIC Media Officer Gerry Zorilla sa mga motorista na aabutin ng isang linggo ang pagsasara sa outer lane ng South-bound ng Osmeña Highway Magallanes Flyover.
loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply