Pistons kinalawang sa Bobcats

MISTULANG kinalawang sa Charlotte Bobcats ang Detroit Pistons,105-100.

Ang panalong ito ay nagbigay ng buena mano kay  coach Paul Silas na pumalit ng nasibak na si Larry Brown.

Si D.J. Augustin ay kumana ng 27 points habang si Stephen Jackson ay nagdagdag ng 23 sa panalo ng grupo.

“I just think it was a good beginning,” wika ni Silas matapos ang panalo nila. “I’m so happy we pulled this one out because if we hadn’t it would have been a problem.”

Samantala, ang Dallas Mavericks ay nanalo pa rin kahit nawala nang maaga si Dirk Nowitzki kung saan nagiba nila ang Oklahoma City Thunder,103-93.

Kumamada naman si LaMarcus Aldridge ng 26 points sa panalo ng Portland Trail Blazers,96-91 laban sa Utah Jazz habang tinibag ng Orlando Magic ang New Jersey Nets sa iskor na 104-88.

Kasabay nito, si Al Horford ay rumatsada sa panig ng Atlanta Hawks nang makabig ang 95-80 victory laban sa Milwaukee Bucks.

“It’s nice to watch when we’re sharing the ball, different guys are getting involved. When we play like that, it seems like we’re at our best,” pahayag ni Horford.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply