Pitong panalo ikinamada ng Celtics vs Nets

KAHIT hindi naglaro  si Rajon Rondo dahil sa injury, nakuha pa rin ng Boston Celtics ang ika-pito nilang sunod na panalo pagkatapos na tambakan ang New Jersey Nets, 100-75.

Nagsasagawa na ng kanilang final warm-up ang Celtics nang lumapit si Rondo kay Celtics coach Doc Rivers at sinabi nito na hindi sya makapaglalaro dahil sa hamstring at foot injury.

Pinangunahan ni back-up point guard Nate Robinson ang Celtics sa pamamagitan ng 21 points, 6 rebounds at 6 assists.

Nag-ambag si Glen Davis ng 16 points at 13 points naman ang ginawa nina Rey Allen at Kevin Garnett.

Nanguna sa Nets si Jordan Farmar na nagtala ng 16 points at 4 rebounds.

Samantala, itinarak ng New York Knicks ang kanilang pampitong sunUd-sunod na road win matapos durugin ang Toronto Raptors, 116-99.

Muling pinangunahan ni Amare Stoudamire ang Knicks sa pamamagitan ng 31 points at season-high 16 rebounds, kung saan apat din sa kanyang teammates ang nagtala ng double figure sa scoring.

Gumawa naman ng season-high 22 points at career-high 16 rebounds si Amir Johnson para sa Raptors.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply