PNOC naghahanda sa 2011 power crisis

MAGPAPATAYO ang state-owned na Philippine National Oil Co. (PNOC) Exploration Corp. ng apat na energy infrastructure projects bilang pagtugon sa forecast na magkukulang sa enerhiya ang bansa sa susunod na taon.

Ayon sa PNOC, ang mga proyektong ito ay ang Isabela Coal Mine And Powerplant, Batangas Power Plant, Bataan Gas Receiving Terminal at ang Malangas Coal-Fired Power Plant sa Zamboanga, Sibugay.

Sa ngayon ang mga proyektong ito ay sumasailalim sa planning at market study stages.

Kumbinsido ang PNOC na hindi lamang ito magdadala ng benepisyo sa ekonomiya  sa mga nabanggit na probinsya kundi kasagutan rin sa mataas na demand para sa elektrisidad.

Ang pag-develop sa mga energy resources sa bansa ay alinsunod na rin sa mandato ng Aquino administration para sa stable power supply. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply