PNoy at Gloria, kapwa matakaw sa pag-utang?

PEREHONG matakaw si PNoy at si GMA kung pangungutang ang pag-uusapan.

Ito ang patutsada ni Senador Joker Arroyo kaugnay sa desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na ibasura ang isang probisyon sa General Appropriations Act of 2011 na naglilimita sa kapangyarihan ng ehekutibo na magdesisyon ukol sa utang-panlabas.

“Presidents Noynoy and GMA (Gloria Macapagal-Arroyo) are no different when it comes to borrowing money. They think alike. Both presidents vetoed exactly the same limitations imposed by the 14th Congress and the present 15th Congress on PNoy…both presidents do not want to limit their borrowing power,” ani Sen. Arroyo.

Sa national budget na kamakailang nilagdaan ni Aquino, tinutulan niya ang probisyong nagbibigay-kapangyarihan sa Kamara upang magtakda ng hangganan ng pangungutang ng gobyerno na di dapat lumampas ng 55 porsiyento ng gross domestic product (GDP).

Nagtataka ang senador kung bakit binura pa ng Pangulo ang nasabing probisyon gayong hindi naman tinatalian ang kanyang kamay para mangutang. “All he has to do is to ask Congress to increase the 55 percent of GDP to say, 60 percent of GDP.”

Sa ginawang pag-veto ng Pangulo sa nasabing probisyon, ipinaliwanag ng Palasyo na ginawa ito ni Aquino para samantalahin ang favorable market conditions.

Anang senador, maaaring napakalaking halaga ang uutangin ni PNoy sa taong 2011 kung kayat ayaw niyang dumaan ito sa congressional approval.

Anang senador, malamang na tulad ng nagdaang administrasyon, sa utang din mabubuhay ang kasalukuyang administrasyon.

“In the name of transparency, PNoy’s clarion call, the public must know how borrowed money, which ultimately will be paid by taxpayers, is spent by the executive. Congressional action would open this to the public,” ani Sen. Arroyo. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply