PNoy, bakit nagkukudeta na ang mga hukom, guro at estudyante?

DAPAT sigurong dagdagan pa ni PNoy ang pakikinig sa boses ng kanyang mga boss, kabilang na ang mga huwes, guro at estudyante.

May kaugnayan, Suki, ang ating unsolisited adbays kay PNoy sa pambansang badyet.

Kahit na naipasa na ang pambansang badyet at kaunting plantsa na lang ang mangyayari sa Ikatlong Kongreso, ang Bicameral Conference Committee, at malapit nang redi por sayning ito ni PNoy, maganda pa ring makinig
ang huli.

Anong malay natin na magmilagro at magkaroon pa rin ng remedyo sa problema ng mga huwes, guro at mag-aaral?

Walang imposible sa dasal kung tutuusin ng nasabing mga boss ni PNoy.

Sino nga namang ama, tulad ni PNoy na ama ngayon ng repablik ni Juan, ang magbibigay ng ahas sa humihiling ng pagkain?

Kung hindi naman siya makikinig, hanggang kailan siya matatahimik sa boses na nanggagaling sa “ilang,” huh?

oOo

Noong una, akala ko  ebribadi hapi kay PNoy.

Ang lakas ng dating niya sa kanyang inagurasyon at panunumpa bilang bosing sa kabilang ilog ng Malakanyang.

Ang inaasahan ko lang na sisimangot sa kanya ay ang mga asungot sa pangako niyang “matuwis na landas.”

Pero natauhan ako nang makarinig ako ng mga sigaw ng mga guro at estudyante.

Pagkatapos, eh, sumunod ang pagbibigkis ng mga huwes at simpatisador nila sa mga korte ng itim na band sa kanilang mga braso.

Nagsisigaw at nagpapakita ang mga grupong ito ng hindi pagsang-ayon sa ilang patakaran ni PNoy, lalo na ang paghihigpit nito sa kanilang badyet.

Hindi nagugustuhan ng mga ito ang labis na pagbeybi ni PNoy sa mga militar, pulis at kay Manang Dinky at igapos sila sa maliliit na pondo.

Ang mga pulis ay may pondong  P88.2 bilyon sa 2011 mula sa P65.4 lang ngayong taon.

Ang militar naman ay may P104.7B sa 2011 mula sa P62.7B.

Itong DSWD naman ni Manang Dinky ay nag-inkris na ang badyet, binigyan pa ng 21 dram o P21B panggatas na kung tawagin ay conditional cash transfer.

Ang hudikatura naman ay tinapyasan umano ni PNoy ng badyet at ganito rin umano ang ginawa nito sa badyet ng mga guro at estudyante, ang state universities and colleges sa kabuuan.

Dahil sa ingay ng boses ng mga huwes, guro at estudyante, para na ring ingay ng kudeta ang ginagawa ng mga ito.

oOo

Kasama, Suki, ni PNoy ang mga onorabol sa Palasyo at Kongreso sa pagtapyas ng badyet sa hudikatura at SUCs.

Dahil dito, nangangamba ang mga huwes na magiging hilaw ang katarungan.

Sabi rin ang mga guro at estudyante na magiging hilaw ang mga kalids gradweyt.
Pero may mas malalim pang mga usapin dito, Suki.

Kung ano-ano ang mga ito ay siyang dapat na pakiramdaman hindi lang ni PNoy kundi maging ang iba pang mga onorabol na kasama nitong marunong magtapyas ng mga pondo para lang may ipandagdag sa iba.

Hindi magandang tingnan na buhay na buhay ang isinusukang “dagdag-bawas istayl” na ginagawa lang sa mga araw ng halalan.

O PNoy, makinig, makinig, makinig at makinig! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply