PNoy, di raw kinansela ang skeds para sa Ogie-Regine wedding

PINABULAANAN ng Palasyo ang mga haka-hakang kinansela lahat ng iskedyul ni President Benigno Aquino III ngayong Miyerkules, December 22, para sa engrandeng kasal nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Secretary Ricky Carandang na wala siyang ideya kung may ibang official functions ang chief executive na kailangang i-cover ng media.

“Hindi ko nakita ‘yung schedule niya for today. I don’t know if he has any other official functions that can be covered. But as somebody said earlier tonight he’s got meetings. Later this afternoon or early tonight he will have meetings with the legal team,” ani Carandang.

“So, ‘yung outside of Malacañang from what I understand it’s the wedding of Regine and Ogie but I think he’ll be dropping by (Deputy Presidential Spokesperson Abigail) Valte’s (office) as well,” dagdag pa niya.

Isa sa abay ang Pangulo sa nasabing kasal na ginanap sa Batangas.

Kapwa tumulong sina Velasquez at Alcasid sa presidential campaign ni Aquino ngayong taon. Kris Jose

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply