PNoy, malamig ang Pasko dahil sa media

MAGIGING malamig ang Pasko ni PNoy.

At ang media ang may kasalanan nito anang 50-year-old bachelor na pangulo.

Nitong Sabado habang nasa Gerona Tarlac si President Benigno Aquino III para sa isang awards ceremony ng electric cooperatives doon, napagbuntunan niya ng sisi ang mga mamamahayag na diumano’y may kinalaman sa mga naunsyami niyang relasyon.

Anang presidente, di niya alam ang kanyang gagawin dahil pag daw may nagkakainteres na babaeng maipakilala sa kanya ay nabubulabog ang mga ito dahil agad itong hine-headline ng media.

Nang tanungin ng media si Aquino kung siya ba ay kasapi ng SMP o samahang malalamig ang Pasko, agad tumugon ang pangulo na “At the moment, yes.”

Matatandaang nag-break kamakailan sina Aquino at si Valenzuela City councilor Shalani Soledad.

Sinundan ito ng balita na pagkaunsyami ng relasyon niya sa kanyang stylist na si Liz Uy.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply