PNoy sa Tuguegarao execs:‘Ingat sa sunog’

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang lokal na pamahalaan ng Tuguegarao City na magsagawa ng regular na inspeksyon lahat ng establisimyento sa siyudad.

Ito umano ay upang huwag nang maulit pa ang sunog na nangyari kahapon ng madaling araw sa Bed and Breakfast Hotel, na matatagpuan sa panulukan ng Mabini at Luna sts. sa nasabing lungsod.

“Gusto po nating ipaalam sa local government at safety authorities na  gawin po nating regular ang pagi-inspeksyon sa lahat ng mga establisiyemto para hindi maulit ang ganitong mga pangyayari,” ayon kay Valte.

Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga pamilya ng mga nursing student na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakikita ang katawan.

Sa ulat, sinabi ni Fire Marshal Neil Caranguian ng Bureau of Fire Protection (BFP) pinagtulungang apulahin ang apoy ng anim na fire truck mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cagayan.

Tinuran ni Romeo Opido, class instructor ng University of La Salette sa lungsod ng Santiago, Isabela, may 36 nursing students mula sa University of Lasalette ang naka-check-in sa nabanggit na hotel, kung saan siyam dito ay hindi pa lumalabas ng hotel.

Sa ngayon ay 27 pa lamang ang nakalalabas ng hotel at anim dito ay dinala sa pagamutan. Ayaw namang ibigay ni Opido ang pangalan ng mga nawawalang siyam na nursing student dahil uunahin muna nilang ipaalam ang balita sa kanilang mga magulang.

Bukod dito ay may mga nursing student din ang naka-check-in mula sa isang paaralan sa bayan ng Solano sa Nueva Vizcaya na kasamang kukuha ng board exam ngayong araw sa lungsod ng Tuguegarao.

Kasama sa hindi pa nakakalabas ng hotel ang mga katiwala ng nasabing hotel, habang ang dalawang may-ari ng gusali ay dinala na sa pagamutan.

Sinabi ni Caranguian na umabot ang sunog hanggang sa ikalimang palapag. Kris Jose

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply