Pokwang, iniiyakan ang malapit na pagtatapos ng PWNW

‘YUN palang pagdaan ni Pokwang kasama sina Rico J. Puno at iba pa noong ginanap ang Star Magic Christmas Party for the press ay ‘yun ang araw na pinatawag sila ng management ng Kapamilya.

Masayang-masaya silang napadaan, beso dito, beso doon pero hindi akalain ni Pokwang na kapalit sa mga halakhak ay luha.

Ang balita ay talagang napa-iyak ang komedyana nang malamang hanggang December 31 na lang ang kanilang programang Pilipinas Win Na Win.  Maraming taon din ang ginugol ng komedyana sa nasabing program mula noon sa Wowowee at maraming pagsubok din sa buhay ang kanyang napagdaanan.

Sa pagkakataong ito ay maraming nakiisa sa kanyang kalungkutan at palaging binibigyan ng moral support sa pagsabing, when one door closes, a lot of windows open.

Kasama si Pokwang sa pelikulang Super Inday and the Magic Bibe na isa sa mga lahok sa MMFF 2010 na bida si Marian Rivera at love interest si Jake Cuenca.  Prodyus ito ng Regal Films and directed by Mike Tuviera.

MADAM AURING, SOBRANG ASIM ANG KANYANG PASKO

Nakakalokah si Madam Auring, sobra pa rin ang kaasiman kaya naman hindi pa rin siya nawawalan ng ‘papa’ lalo ngayong Kapaskuhan.  True, in-love na naman ang manghuhula at unang nakita ng publiko ang kanyang lovey-dovey noong Star Awards for TV ng PMPC na sobrang sweet sila sa isa’t-isa. As expected, in the news na naman siya ngayon at tiyak left and right na naman ang kanyang TV guestings.

Noong nakausap namin si Madam Auring sa kanyang shop sa 4th floor ng Victory Mall kung saan maliban sa panghuhula ay nagbebenta rin siya ng ‘gayuma’ at marami pa, ay medyo nagrereklamo siya ngayon dahil as usual, against na naman ang kanyang mga anak na ma-in love siya lalo na sa lover na nakakabata sa kanya.

Naiiba ang kanilang drama ngayon di tulad noong sila pa ni Archie na open ang kanilang pagtatagpo pero sa kanyang present na si Makki ay patago naman sila away from the knowledge ng mga anak.

Inamin ni Madam Auring na hirap siya ngayon sa kanyang lovelife dahil kelangan nilang magkita malayo sa kanyang shop sa Victory Mall.  Pakiramdam nito, inalisan na siya ng freedom of want kasi hadlang na naman ang mga anak sa muling pagtibok ng kanyang puso.  Heto ngayon ang kalbaryo ng manghuhula pero umaasa siya na matangap din sila at tatanawin daw nitong pinaka-greatest gift ngayong Pasko mula sa mga anak. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply