Pops Fernandez itinanggi ang nude photos

ISA-ISANG sinagot ni Pops Fernandez ang mga issue na lumulutang tungkol sa kanya noong mag-guest siya sa Paparazzi kamakailan.

Una, ang tungkol sa diumano’y nude photos niya, na kumakalat daw ngayon sa internet!

“Hindi ko alam!  Hindi naman siguro.  Parang wala namang naniniwala, so why make such a big deal out of it?” reasoned Pops.  “Actually, ‘yung ‘pictorial’ ko du’n (internet pics now circulating)… kinda like on the normal side; na-feature lang siya sa FHM (sexy female magazine).”

Ikalawang issue, ang tungkol sa lovelife ni Pops.  “It’s corny!  I should be worried.  Corny ang buhay ko ngayon, sawa na ako sa ‘interesting’!” biro ni Pops.  Two years na raw siyang walang lovelife.

“Siguro, ini-enjoy ko ‘yung pagiging single ko.  Parang ngayon pa lang po ako nagdadalaga,” kuwelang sabi rin ni Pops.

Tanong pa ni Cristy Fermin:  “Naiintindihan ba nina Ram at Robin (mga anak nina Pops at Martin Nievera) ‘pag nagkakaroon siya ng karelasyon?

“Oo naman.  Gusto lang nila, maging masaya ako,” sagot ni Pops.  “Feeling ko naman, may natutunan ako (sa pakikipagrelasyon).”

Gaano katindi magmahal si Pops Fernandez?

“Ako yata ‘yung type na… ‘pag nai-in love, I never give just a hundred, or a hundred fifty percent…three hundred pa yata! Sobra-sobra!  Pero hindi ako nagsisisi, kasi mas magsisisi ako kung feeling ko, natapos ‘yung relationship and I didn’t give it my best!”

Ikatlong issue, tungkol sa mga naging ka-relasyong aktor ni Pops Fernandez.

“Kunwari wala kaming alam,” sabi ni Cristy F. at sunud-sunod na binanggit ang mga na-link na aktor kay Pops, tulad nina:

Jomari Yllana:  “Jomari and I are seeing each other,” sabi ni Pops.

Piolo Pascual:  “Paminsan-minsan (nagkikita din); actually, friends kami.”

Ani Cristy F, “panandalian ang sa inyo ni Piolo?”

Sagot ni Pops, “Sobra, oo.  Naging good friends kami talaga.”

Aga Muhlach:  (nagkaroon din nga raw ng tampuhan noon sina Pops at Aga, tulad ngayon nina Aga at Sharon Cuneta).

“Nagko-contact kami,” ani Pops, na natatawa.  “Hindi, wala lang.  Nag-asawa lang siya (nakasal si Aga kay Charlene Gonzales).  Pero hindi naman tampo ‘yon.  Okey kami ni Aga.  Okey rin kami ni Charlene.”

Kaugnay nito’y ang naging “issue” raw sa kanila ni Troy Montero, na sabi ni Pops ay “hindi naging sila”.

Natuwa si Pops nang hindi nagtanong si Dolly Ann, na kaibigan niya’t may alam din sa mga secret ni Pops tungkol sa past lovelife niya.

Ani Dolly Ann, tinitingnan daw kasi siya ni Pops, as in pinangmumulatan, para ‘wag magsalita nang kung anuman.  “Ang bait mo,” sabi ni Pops kay Dolly Ann, sa pagtatapos ng segment.

“Tama na.  Thank you,” huling sabi niya, na feeling nakahinga nang maluwag matapos ang segment.

Bukod do’n. nabanggit din ang tungkol sa magiging Valentine’s Day show ni Pops, kasama si Ogie Alcasid (minus Martin Nievera), sa February 12, 2011.

Kaugnay dito, pinagtatalunan din ang titulong ‘Concert Queen” na sabi’y hindi na si Pops ang may-ari sa panahong ito, kundi ang tinaguriang ‘Princess of Pop’ na si Sarah Geronimo.

“Dito naman sa atin, once magkaroon na ng title ang sinumang artist, ‘yung mga susunod sa kanya wouldn’t want to have the title na naibansag na sa iba, so wala namang problema tungkol diyan,” paliwanag ni Pops, na wala ring rason para ma-insecure.

Basta, happy si Pops Fernandez sa kanyang career and she’s hoping to have a “special someone”.  Happy rin siya sa nagiging achievements ng dalawang anak, na nagiging “stage dad” pa raw si Martin sa mga ito. “‘Pag nandu’n siya, kaya napi-pressure ako.”

Sa holiday season, “Kasama ko ang mag-anak ko,” pagbabalita rin ni Pops.

In parting, nagpasalamat si Pops sa pag-ge-guest co-host niya sa Paparazzi, na may kasama pa ring biro:  “Thank you for welcoming me today!  Now, I’m the ‘Naked Queen’!” William Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply