PR Dilema bumawi matapos mapahiya

KAMOT sa ulo si star jockey Patty Ramos Dilema sa karerahan noong Biyernes ng gabi ng maudlot ang panalo ng sakay niyang si Euromax na tatawid na lang ng meta ay nasubsob pa ang dalawa.

Kaya naman noong Linggo sa umpisa ng karera ay nagpakitang gilas agad ang paulit-ulit na naging Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year awardee Dilema ng ipanalo nito si Joel’s Choice ng mahigit sa 10 kabayo ang distansya sa naganap na Three-year-old Special Condition race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa rekta nagsigawan ang mga karerista ng may halong pang-aasar dahil mag-isa ulit nitong binabaybay ang diretsuhan papunta sa meta.

“Parang biro lang namin kay Patty (Dilema) yung mga kantiyawan, eh kasi nga noong Biyernes limang kabayo ang pagitan ni Euromax sa mga kalaban tapos tatawid na lang ng meta nasubsob pa sila,” saad ng isang kareristang ayaw magpabanggit ng pangalan. “Better go down and collect na nga tapos natalo pa,” nakangiting dagdag ng karerista.

Hindi hinayaan ni Dilema na maulit pa ang insidente kaya buong ingat nitong itinawid si Joel’s Choice sa meta upang sungkitin ang added prize na P15,000 na bigay ng Philippine racing Commission (PHILRACOM).

Nakapagtiyempo si Joel’s Choice ng 1:40 sa 1,500 meter race.

Sumegundo si Zenyalles habang pangatlo at pang-apat na tumawid ng meta sina Gracious Host at Semper Fidelis ayon sa pagkakasunod. Elech Dawa/R.Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply