Presyo ng NFA rice itataas ngayong araw

NAKATAKDANG magtaas ang presyo ng bigas ang National Food Authority (NFA) ngayong araw na posibleng umabot na sa P27 kada kilo nito..

Ayon kay NFA Administrator Lito Banayo batay sa panayam ng  DZMM, kailangang itaas ang presyo ng NFA rice ng P2 kada kilo dahil malaki na ang nalulugi sa ahensya mula sa pagbebenta ng murang bigas.

Ipinaliwanag pa ni Banayo na P17 lamang kasi ang bili ng NFA sa palay ng mga magsasaka at gumagastos ang ahensya ng hanggang P33 kada kilo upang ito ay iproseso para maging bigas.

Nagpasya aniya silang itaas ang presyo ng bigas ngayong Disyembre dahil isinabay ito sa panahon ng pag-ani upang hindi gumalaw ang presyo ng commercial rice.

Tiniyak naman ng NFA na malayo pang masundan ang pagtataas sa presyo ng NFA rice.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply