Presyo ng noche buena items, bantay sarado-DTI

MAHIGPIT na minomonitor ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo at supply ng mga noche buena items habang papa¬lapit ang araw ng Pasko kasabay ng pagbibigay paalala ng Food and Drug Administration (FDA) na mag-ingat sa mga bibilhing noche buena.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, ang kanilang patuloy na pagbabantay ay sa kabila ng maayos na presyo at supply ng mga noche buena items.

Nais umano ng ahensya na matiyak na magiging ma¬ayos ang takbo ng presyo at supply hanggang sa araw ng Pasko gayundin sa pagpasok ng Bagong Taon.

Sinabi ni Maglaya, sa ngayon ay nakakalat na sa mga pamilihan ang kanilang mga itinakdang Suggested Retail Price (SRP) sa mga noche buena items na siyang magsisilbing gabay sa mga mamimili.

Kasabay nito, muli pa ring pinaalalahanan ng DTI ang mga mamimili na manatiling mapanuri sa kanilang mga binibili upang hindi na magkaroon pa ng problema.

‘Mag-ingat sa ihahandang pang-noche buena’ – FDA

Layunin ng FDA na makaiwas sa sakit ang taongbayan sa bibilhing panghanda sa noche Buena.

Sinabi ni FDA Dir. Dr. Suzzete Lazo, dapat may sinusunod na palatandaan ang mga mamimili para matiyak na ligtas ang kanilang ihahain.

Pangunahin umano dito na dapat kilatisin ang expiration date ng mga produkto at pagdudahan kung masyadong mura ang mga ibinibentang produkto dahil baka luma na ang mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply