Presyo ng pangunahing bilihin, nagtaasan

NAGTAASAN ang mga pangunahing bilihin ilang araw bago magpasko kabilang na ang asukal at cooking oil.

Batay sa news report ng dzBB, tumaas ang presyo ng asukal na may P66 na kada kilo sa Marikina Public Market, Martes ng umaga.

Matatandaang ibinebenta ang asukal sa halagang P65 kada kilo noong mga nakaraang linggo.

Tumaas din ang presyo ng mantika na may presyo ngayong P74 kada litro na dating P70 lamang ibinebenta.

Ang maliit na bote ng mantika na dating P28 lamang, ngayon ay umabot na sa P30.

Samantala, nananatili naman sa kanilang mga presyo ang iba pang mga pagkain tulad ng karne ng baka na may P240/kilo, at karne ng baboy na may P160 at P170/kilo ang presyo.

Bumaba naman ang presyo ng tilapia na P75 kada kilo ngayon na dating P80 habang P100 na lamang ang presyo ng bangus na dating P110-120 ang presyo.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply