Presyo ng tinapay tumaas uli

WALA nang nakapigil sa pagtaas ng presyo ng tinapay matapos magdesisyon ang mga panadero nang piso pagtaas sa presyo ng loaf bread, at 50 sentimos sa bawat 10 piraso ng pandesal.

Ayon sa Philippine Bakers Association, kailangang magtaas sa presyo dahil sa  paglaki ng produksyon, lalo na ang asukal.

Ayon kay Trade Secretary Gregory Domingo, oras na maramdaman umano ng grupo ng mga panadero ang malaking pagbaba ng presyo sa asukal ay baka itigil na nila ang pagtaas sa presyo.

Magiging pansamantala lang umano ang pagtaas sa presyo ng tinapay kaya’t makatwiran ang ginagawa ng mga panadero. Nenet L. Villafania

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply