Principal na dinukot sa Basilan, pinalaya na

PINAKAWALAN na ang school principal na dinukot sa Basilan noong Nobyembre, Martes ng gabi.
Ayon sa ulat na nakarating kay police head Chief Superintendent Bienvenido Latag, pinakawalan na ng mga kidnappers ang biktima na si Cecilia Sosas bandang 9 p.m..

Matatandaang dinukot si Sosas ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan noong Nobyembre 15 sa Baas Elementary School kung saan nanghihingi ang mga kidnappers ng P1-million ransom para sa kanyang paglaya.

Nabatid na tumangging magbigay ang pamilya ni Rosas ng hinihinging ransom dahil hindi umano nila ito kaya.

Inihayag pa ni Latag na ang pagpapalaya kay Sosas ay dahil umano sa pagsasama ng puwersa ng crisis management committee, Police Anti-Crime Emergency Response, at ng mga provincial police.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply