Problema sa labor contractualization, dapat solusyunan ng Kamara

NANAWAGAN ang Partido Manggagawa (PM) sa House Labor Committee na isulong ang pagsasabatas ng mga panukalang pipigil sa iba’t ibang iskema ng labor contractualization na laganap na isinasagawa ng mga kumpanya.

Ani PM chairman Renato Magtubo, dahil sa contractualization, lalong lumalala ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga manggagawa na siya ring nag-uudyok sa kanila para mag-aklas.

“It is high time to strictly regulate this pernicious practice that is subverting Constitutionally-guaranteed rights to security of tenure and freedom of self-organization,” ani Magtubo.

Ayon sa PM, ang contractual work ay dapat lamang ipatupad sa seasonal work at project-based employment.

Dapat naman ikang ipagbawal ang contractual employment kung ang trabaho ay ginagawa na ng regular workers, ayon kay Magtubo.

Maraming nadi-displace na regular workers dahil sa contractual workers na tumatanggap ng mas mababang suweldo at mas maliit na benepisyo.

Wala ring proteksyon sa labor unions ang mga contractual worker, ayon sa PM.

Anang grupo, ang totoong layunin ng outsourcing at subcontracting ay di efficiency o productivity.

Ipinatutupad umano ito upang mabawasan ang gastusin sa paggawa o labor cost at para makakumpetensiya ang isang kumpanya base sa cheap labor o murang presyo ng lakas-paggawa.

“The ulterior motive of contractualization is go around the protection for workers presently provided in the Labor Code such as the minimum wage, social security, employee benefits, separation pay and the freedom to have a voice and representation in the workplace through a union,” ani Magtubo.

Tinutulan din ng PM ang hiling ng mga employer para sa mas liberal na polisiya sa outsourcing at less restriction sa pagpapatalsik ng mga mangagagawa.

“Liberalization of outsourcing, subcontracting and termination will lead to the further oppression and destitution of workers. It will accelerate the race to the bottom in wages and working conditions that contractualization is fostering,” ani Magtubo.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply