Produktong Pinoy tangkilikin

UMAPELA sa mamimiling Pinoy ang Kamara de Representantes na tangkilin ngayong Holiday season  ang mga produktong gawa sa Pilipinas.

Ang paghikayat ay ginawa ni DIWA Partylist Rep. Emmeline Aglipay upang maging makahulugan ang paggastos ng mga mamimili sa kanilang bonuses bukod sa makakatulong pa sa mga manggagawa sa lokal na industriya.

Sa ganitong paraan aniya ay matutulungan din ang bansa sa pagpapatatag ng ekonomiya.

Kasabay nito, pinag-iingat din ni Aglipay ang publiko upang hindi mabiktima ng mga substandard na produkto gayundin sa mga laruan na nagtataglay ng mapanganib na kemikal gaya ng lead na banta sa kalusugan ng mga bata. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply