Protesta ng ‘kuliglig’ drivers naging madugo

NAUWI sa madugong dispersal ang isinagawang kilos-protesta ng mga pedicab at “kuliglig” drivers kaninang hapon kontra sa ipinatupad na executive order ni Mayor Alfredo Lim na nag-aalis sa mga ‘kuliglig’ at pedicab sa kalakhang Maynila.

Ang dispersal ay bunsod na rin nang pagdudulot ng mahabang trapiko nang harangan ng mga kuliglig ang harapan ng Manila City Hall at Padre Burgos St. kung saan tinangka namang pakiusapan ng mga awtoridad na alisin ang may 200 pedicab sa kalsada.

Matapos ang isang oras na negosasyon, dakong alas-dos ng hapon ay nagsimula nang puwersahang i-disperse ng mga elemento ng Manila Police District ang mga nagmamatigas na raliyista.

Nagkagulo matapos magliparan ang mga bato at bote nang magsimulang mang-aresto ang mga kapulisan at sinimulang i-tear gas ang mga nagpoprotesta.

Matapos ang dispersal, nag-antabay pa ang mga awtoridad bago tuluyang tinanggal ang mga kuliglig at pedicab na inabandona at iniharang sa kalsada ng mga raliyista. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply